ni Ambet Nabus @Let's See | Feb. 7, 2025
Photo: Julia Barretto at Alden Richards - IG
Hindi pa man nakukumpirma na magsasama nga sina Alden Richards at Julia Barretto for a project ay marami na agad ang nagbibigay ng negatibong reaksiyon.
Kesyo parang masyadong ‘downgrade’ diumano ang project para sa isang Alden na kagagaling lang sa isang very successful movie project with Kathryn Bernardo.
“Mahusay na aktres si Julia, pero never s’yang naging hitmaker o kahit sa TV man lang ay toprater. May kulang talaga sa kanya despite her gorgeous looks and good acting skills,” hirit ng mga agad na humuhusga.
Take note na usap-usapan pa lang ito, ha? Nothing concrete, nothing definite yet.
Kumbaga ay one of those possibilities and what ifs pa lang para sa susunod na project for Alden.
Huwag naman po sana tayong ‘daot’. Hehehe!
Sen. Bong, kahit pasok sa partido ni PBBM…
LANI AT 2 ANAK NA CONG., ‘DI PUMIRMA SA IMPEACHMENT KAY VP SARA
PINAG-UUSAPAN ng ilang sektor ang hindi pagpirma ng mag-iinang Revilla sa Kongreso para sa impeachment ni VP Sara Duterte.
Sina Congw. Lani Mercado at mga anak na sina Representatives Jolo at Bryan Revilla ang ilan sa mga hindi pumirma sa naturang impeachment.
Siyempre pa, hindi masaya ang mga detractors nila at may kung anu-anong itinawag sa pamilyang Revilla.
Pero para sa mga nakakaalam ng political leaning nila, mauunawaan ang kanilang ginawa.
“Impeachment is among the political exercises that require political will and support. Ganu’n talaga,” sey ng mga nakatutok sa isyu na naniniwalang pagdating sa Senado ay tiyak na tiyak na ‘kakampi’ rin ni VP Duterte si Sen. Bong Revilla, Jr..
“Look, bitbit ni PBBM si Sen. Bong Revilla sa mga senatoriables n’ya. Pero maugong ang balitang sa Kongreso ay isa sa mga nanguna sa impeachment ni VP Sara si Cong. Sandro Marcos. That’s how the game goes,” dagdag pa ng iba.
Hindi pa inilalagay sa agenda ng Senado ang ipinasang impeachment case, lalo’t next week ay magsisimula na ang kampanyahan.
‘Di kinaya ang mga banat ng netizens…
CRISTINE, GINAMIT ANG PIKTYUR NILA NI BARBIE HSU SA B-DAY POST, NA-BASH, BIGLANG BURA
KAHIT naging palaban si Cristine Reyes matapos siyang batikusin sa kanyang birthday post, agad din naman niya itong binura.
Sobrang bashing kasi ang inabot ni Cristine matapos niyang gamitin ang photo nila ng yumaong si Barbie Hsu sabay bati sa sarili sa kanyang 35th birthday.
Rumesbak man ang aktres, pero sa sobrang buhos ng negative reactions, ito na rin ang kusang nagbura ng post niya at tumigil na sa pagsagot pa.
Hindi naman ito ang unang beses na na-bash ang isang artista nang dahil sa birthday blues. Nauna na riyan si Alex Gonzaga na halos naging national issue pa ang ‘birthday cake’ issue sa isang waiter.
At kung usapin naman sa ‘patay’ kaugnay ng greeting ang isyu, sobrang bashing din ang inabot noon ni Jessy Mendiola dahil sa post niyang naka-bikini at may caption siyang “RIP (rest in peace), Rico Puno.”
Hay, ganoon kabusisi ang mga netizens para patulan at pansinin talaga ang mga ganyang bagay.
Sa parte naman ng mga celebrities na gumagawa ng ganyan, bakit nga kaya hindi sila nagiging maingat, ‘noh?