ni Ambet Nabus @Let's See | May 3, 2024
SA mga nakalap naming kuwento sa Occidental Mindoro incident nina Francine Diaz at bandang Orange & Lemons (O&L), lumalabas ngang at fault ang organizer ng event.
Governor's Night ang tawag sa event at sinasabing highlight ng show ang appearance ng batang aktres.
Sa mga naglabasang clips sa socmed (social media), makikitang nasa stage na nga ang bandang O&L nang pinaakyat ng stage si Francine.
Babati lang daw ito as per the event's emcee, pero biglang pinatugtog ang lip sync music nito at nag-entertain na ng crowd.
Doon na nga rin maririnig ang biglang pag-instrument check ng banda kaya't nagkaroon ng tension at confusion.
Nakapag-perform si Francine habang ang O&L na supposedly ay dapat mauna, biglang nahuli. At doon na nga kumuda ang isang member, na umano'y nabastos ni Francine dahil sa pangyayari.
Kung pagbabasehan nga ang mga clips na viral ngayon, masasabing si Francine ang tila naunang 'lumabas' na nambastos dahil nga nasa stage na at getting ready ang banda.
Pero masasabi rin kasing may 'kabastusan' ang pagsasalita ng band member, na puwede namang dumiretso sa organizer to complain or what.
Pero ang pagkakamali talaga ay nasa organizer na sinasabi namang naipit sa request ng handler ni Francine na isingit at paunahin na ito.
So, ang kawawang Francine, lalong naging nega at tila lumabas pang walang pakialam sa kapwa entertainer na nasa stage na at ni hay o hoy na spiel kumbaga ay ‘di na-orient ng sinasabing host o handler.
Kayo na po ang humusga.