ni Ambet Nabus @Let's See | June 18, 2024
“Give it a rest,” komento ng mga netizens sa isyu ni Xian Lim kay Kim Chiu.
Naipalabas na rin ang movie ni Xian and sadly, hindi nga ito kumita mereseng naging laman halos ng balita ang name ni Xian sa mga emote niya.
On the other hand, nakabalik na sina Kim at Paulo Avelino mula sa kanilang show sa Dubai na very successful.
Bago pa man umalis si Kim, nakapag-renew ito ng kanyang kontrata bilang brand ambassador ng Megasoft Hygienic Products, Inc., ang maker ng Sisters Napkins at Pantyliners.
Sa muling pagpirma ni Kim, inaasahang mas tataas pa ang sales ng mga produkto dahil sey nga ni Megasoft’s Vice-President Ms. Aileen Choi Go, “Kim kasi has the values that Sisters celebrate. She’s very hard working - as seen from her projects, but at the same time, we see her fun side. She’s also very grounded and never forgets to take care of herself. (These are) admirable qualities that we all look up to in a sister.”
‘Yun na!
POSIBLE nga raw na may nakita ang Netflix Philippines kina Kaila Estrada at Donny Pangilinan kaya’t binigyan nila ito ng series na mapapanood sa socmed (social media) kasama pa ang mga nanay nila.
Magalit na raw ang mga DonBelle fans, pero since sa Netflix nga raw nag-debut ang Can’t Buy Me Love nilang drama series, na nandu’n din si Kaila, marahil daw ay may nakitang potensiyal kina Donny at Kaila ang naturang platform.
Marami nga rin ang natuwa sa teaser ng sinasabing series kung saan nagbardagulan sina Donny at Kaila sa elevator kasama ang mga nanay nilang sina Janice de Belen at Maricel Laxa. Mayroon din namang mga bashers, na siyempre pa ay normal naman daw, hahaha!
“This is not a full series, pero since mabenta sa mga digital app ang mga short series, there might be something in there for Donny and Kaila,” tsika ng source namin from Netflix Philippines.
Ay, parang may ubod-lakas kaming naririnig na, “Oh noooo!”
HINDI naman daw big deal kay John Lloyd Cruz if ever mang hindi siya binati ng nanay ng kanyang anak na si Elias nu’ng Father’s Day.
For as long as nagagampanan daw ni Lloydie ang obligasyon niya sa kanilang anak at mas ramdam niyang kilala at mahalaga siya sa buhay nito, sapat na raw na rason iyon para araw-araw i-celebrate ni Lloydie ang Father’s Day.
Iyan nga ang naibahagi sa amin ng isang taong sobrang lapit sa aktor na ngayon pala ay nakatutok sa kanilang mga negosyo at pakikipag-ugnayan sa ilang mga taong taga-industriya na may gaya niyang same vision pagdating sa mga TV and film projects.
“Silent partner,” dagdag pa ng source namin sa ilang film projects kung saan namuhunan ang aktor.
Okay naman daw ang love life ni Lloydie at nag-e-enjoy ito sa bonding time with his artist partner.❖🙰❖