ni Ambet Nabus @Let's See | August 13, 2024
Marami ang umalma kay Senate President Chiz Escudero sa naging proposal nitong bawasan ang mga holiday sa bansa.
Though ipinagtanggol siya ni Heart Evangelista sa mga bashers na idinamay pati siya at ang mga out of the country fashion shows and events niya, still, tila hindi nila nakuha ang suporta at simpatya ng madla.
Kahit ang ilang mga kapatid sa media ay nag-react at nagtanong tuloy sa mahusay na senador kung bakit naman out of the blue 'ika nga ay napagdiskitahan niya ang pagkakaroon ng holidays sa bansa.
Nauwi tuloy sa pagpaparatang sa kanya na kahit nga hindi holiday ay nagagawa nitong magbakasyon para magsilbing alalay sa asawa kapag may mga international events si Heart.
Sey pa ng ilan, “‘Yung mga ordinaryong manggagawa, kakarampot lang ang benefit na nakukuha kapag holidays, tapos babawasan pa, kumpara sa mga gaya nilang papogi at pakinis lang ng balat sa mga air conditioned offices nila.”
Meron pa ngang nagtanong kung gaanong kahabang ‘leave’ (with pay, ha?) raw ba ang nae-enjoy ng mga pulitiko kumpara sa dami ng holidays sa bansa.
Aguy! ‘Yan tuloy.
TILA nagiging normal na nga sa mga award-giving bodies o film festivals ang magkaroon ng mga ‘tie’ pagdating sa acting award, lalo na sa Best Actress.
Ibig kayang sabihin nito na sadyang marami nang magagaling na aktres ang showbiz industry, kaya’t hindi ma-break na ‘tie’ ang mga naglalaban-laban sa nasabing kategorya?
Sa katatapos lang na Cinemalaya, kapwa itinanghal na Best Actress sina Marian Rivera at Gabby Padilla for their respective entries na Balota at Kono Basho.
Mukha namang magagaling talaga sila dahil kahit kami ay hangang-hanga rin sa ipinakitang performances nina Jane Oineza at Mylene Dizon sa mga entries nila na tinalo nga nina Marian at Gabby.
Of course, mainstream actress at itinuturing ngayon na isa sa pinakasikat na aktres si Marian at dahil first time niyang mabigyan ng acting award, iba siyempre ang dating.
Besides, sadyang kinarir ni Marian ang movie kahit pa nga hindi ito komersiyal gaya ng top grossing movie niyang Rewind.
Pero ayon sa mga nakapanood, sadyang mahirap din daw balewalain ang husay ni Gabby (isang indie actress), kaya’t minarapat ng mga hurado na ibigay din sa kanya ang award.
Proud na proud naman si Dingdong Dantes kay Marian during her acceptance moment. Kahit naman noon pang premiere ng movie ay walang isyu mereseng naging alalay siya ni Marian Rivera.
Congratulations!
Nu'ng una, si Sen. Tulfo lang…
IBA PANG SENADOR, TO THE RESCUE NA RIN SA BIKTIMA NG PANG-AABUSO NG TV5 PROGRAM MANAGER
HABANG isinusulat namin ito ay ongoing ang sinasabing ‘hall meeting’ ng TV5 kaugnay ng sumabog na isyu nu’ng weekend.
Ang News and Current Affairs sa leadership ng boss nitong si Luchi Cruz-Valdes ang namuno ng meeting.
Ayon sa aming nakausap, naging main agendum nga ang usapin hinggil sa naging reklamo ng isang bagitong talent kontra kay Cliff Gingco, program manager ng News Department.
“Masyadong seryoso ang usapan. May mga pag-review ng code of ethics, protocol at iba pang mga patakaran,” sey ng aming source.
Meanwhile, kaabang-abang din naman ang mga susunod na hakbang na gagawin ni Senator Raffy Tulfo, lalo’t may mga senador pa na gustong magbigay ng tulong sa naturang biktima.
Hmmm... parang napanood na namin ang ganitong mga kaganapan. Hahaha!