ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 28, 2025
Photo: Rita Daniela at Archie Alemania - Instagram
Ngayong umakyat na sa husgado at opisyal nang nasampahan ni Rita Daniela ng kasong Acts of Lasciviousness si Archie Alemania sa isang sala sa Bacoor City, asahan daw po natin ang mahaba-haba pang laban dito.
Although nagtagumpay nga raw po sa unang level na masasabi si Rita, may mga nakahanda naman daw na depensa si Archie para patunayan ang ‘claim’ nito na kumukuwestiyon sa pahayag ni Rita.
May buwelta naman ang panig ni Rita na anytime daw ay ready din itong iharap at ipakita ang naitatago pa nitong “alas” to prove na may naganap ngang hindi kinunsinte na akto ng kalaswaan.
Kapwa wala pang pahayag ang bawat panig sa latest development na ito sa isyu.NGAYONG umakyat na sa husgado at opisyal nang nasampahan ni Rita Daniela ng kasong Acts of Lasciviousness si Archie Alemania sa isang sala sa Bacoor City, asahan daw po natin ang mahaba-haba pang laban dito.
Although nagtagumpay nga raw po sa unang level na masasabi si Rita, may mga nakahanda naman daw na depensa si Archie para patunayan ang ‘claim’ nito na kumukuwestiyon sa pahayag ni Rita.
May buwelta naman ang panig ni Rita na anytime daw ay ready din itong iharap at ipakita ang naitatago pa nitong “alas” to prove na may naganap ngang hindi kinunsinte na akto ng kalaswaan.
Kapwa wala pang pahayag ang bawat panig sa latest development na ito sa isyu.
‘Di raw makatulong dahil sa mga nago-gong…
REY VALERA, NA-STRESS SA TNT, 2 BESES NAOPERAHAN
NAPANOOD namin ang episode sa vlog ni Bernadette Sembrano na guest niya si Rey Valera.
Bukod sa latest na mga ganap sa dating punong hurado ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime (IS), nakakagulat ang tsika nito kung bakit siya nawala sa naturang show.
Ayon sa music icon, dalawang beses pala siyang nagpaopera sa kanyang digestive system nang dahil sa sobrang pressure at stress na naidudulot sa kanya each time na may nago-gong siya.
Dahil parte nga ng trabaho niya bilang punong hurado ang mag-gong ng kalahok na sa panlasa nila ay hindi nami-meet ‘yung requirement sa pagkanta, madalas daw siyang naoospital dahil sa stress at pagkakasakit.
“Dinadala ko ‘yun. Hindi ako makatulog ‘pag nangyayari ‘yun. Hindi lang nakikita ng madla pero matindi ang epekto sa akin ng pangyayari,” pahayag pa nito.
Ibinigay nga niyang halimbawa ang isang music teacher na kanyang na-gong at nagsabi sa kanya na nawalan ito ng hanapbuhay dahil sino pa ba naman daw ang magpapaturo rito ng pagkanta kung sa ganu’ng kontes ay na-gong ito?
So, malinaw na hindi isyu sa pulitika ang dahilan kung bakit hindi na siya ang punong hurado sa Tawag ng Tanghalan (TNT) at ngayon nga’y nasa Sing Galing (SG) na siya sa TV5.
“Mas relaxing, hindi masyadong toxic ang duty at sakto lang ang husgahan,” sey pa ni Sir Rey.
Kasama rin niya sa SG ang iba pang galing sa TNT na hurado na sina K Brosas at Randy Santiago.
SPEAKING of Tawag ng Tanghalan (TNT), na-disquality sa ongoing na Grand Resbak ang contender na si Marco ng Pangkat ALON dahil may nilabag umano itong mga items sa pinirmahan nitong kontrata.
Mayroon pang sinasabi na posible rin itong makasuhan dahil sa umano'y naging paglalabas nito ng kanyang opinyon sa socmed (social media) na tila may malisya o may pag-aakusa umano sa show.
Hindi pa malinaw ang mga detalyeng aming nakalap pero nitong Thursday edition ay inianunsiyo na rin ang ipinalit sa kanya na si resbaker Arvery mula sa na-eliminate na Pangkat Amihan.
Grabe ang puksaan ng mga boses at husay sa pag-perform sa naturang grand resbak 2025 sa TNT na nagbibigay nga rin ng matinding stress at pressure sa mga manonood gaya namin. Hahahaha!
NAGSIMULA na ang pormal at opisyal na pangangampanya ng mga local candidates para sa May 2025 elections.
Ngayong Biyernes nga po ay halos fiesta na sa buong bansa dahil ang bawat local candidates ay pormal, legal at opisyal nang makakasuyod sa bawat bahay at okasyon sa lugar nila.
Asahan na po natin ang halos kaliwa’t kanan na mga bangayan, kamayan at plastikan para makahikayat ng botante ang bawat kandidato.
Pero ang lahat ng ‘yan ay mababago lamang tungo sa nais at hangad nating pagbabago at tagumpay kung tayo mismo ang magpapasimuno ng gusto nating baguhing mga sistema sa pulitika.