ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | March 16, 2022
Pinalagan ng dating Miss World 2nd runner-up (1993) na si Ruffa Gutierrez ang mga komento ng ilang bashers na may larawan siyang mukhang 'transgender'.
Sa kabila ng maraming supporters ng beauty queen-turned host na pinupuri ang kanyang pambihirang ganda, may ilang netizens naman ang bumabatikos sa kanya.
Sabi ng isang netizen na nagkomento sa Instagram ni Ruffa, may ilang photos daw nito na 'mukhang bakla' umano ang beauty queen.
Kalakaran nang sinasabi ng mga celebrities na "you can't please everybody" kaya naman bilang edukadong tao, hindi na lang daw niya pinapatulan ang mga bashers.
Sa nakaraang episode ng It’s Showtime kamakailan lamang, nabanggit ni Ruffa na wala nang epekto sa kanya ang mga ganitong pang-ookray dahil sanay na sanay na siya sa mga haters sa social media.
Nagsimula ang pagkukuwento ni Ruffa nang tanungin ng Showtime host na si Vice Ganda ang mga contestants sa isa nilang segment — kung saan isa nga sa mga judges ang former beauty queen — kung ano ang isasagot nila kung may magsabing mukha silang buntis.
At natanong din ito kay Ruffa, “Hello?! Look at your body first before you say that to me… especially if flat ang tiyan ko like do you need glasses? Sorry I’m just being honest."
Kasunod nga nito ay natanong uli siya kung ano ang magiging reaksiyon niya kung may magsabi sa kanya na mukha siyang bakla.
“They always say na mukha akong bakla and I’m like, ‘So? It’s an honor to look gay.’ Mas type kong magmukhang bakla,” nakangiting sagot ni Ruffa.
Follow-up question ni Vice kay Ruffa, ano naman ang magiging reaction niya kung mapagkamalan siyang lalaki?
“Sa laki ng b@#bs ko? I think they really need glasses. I won’t mind them na lang. Hair flip na lang sila,” kuwelang sagot ni Ruffa.