ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 3, 2022
Bagama't hiwalay na at nakikitang nagde-date paminsan-minsan, aminado ang aktres na si Barbie Imperial na hindi sila nagkabalikan ng ex na si Diego Loyzaga.
Matatandaang lumayas bigla ng 'Pinas si Diego at iniwan ang ex-GF pagkatapos ng hot issue involving AJ Raval na siyang itinuturong cause ng breakup.
Pagkatapos ng isang buwang 'nursing a broken heart' drama sa US, bumalik si Diego sa bansa na sabi'y all's well na raw sa kanyang ex.
Patunay na okay na ang dalawa ay ang mga playful exchange of comments between Barbie and Diego na nasubaybayan ng kanilang mga fans sa social media. Kaya naman, nag-assume ang mga 'Marites' na may 'something' ulit sa dalawa base sa kanilang online interaction.
Subali't sa panayam kay Barbie sa nakaraang episode ng Magandang Buhay, paglilinaw ng ex ni Diego, "Okay po kasi kami. Hindi naman po kami magkaaway, pero hindi po kami nagbalikan. Friends lang, friends. Kulitan lang."
Dagdag pa niya, "Actually po, before pa nu'ng exchange ng comments na 'yun, nakapag-usap naman po kami nu'ng bumalik siya galing States."
Paglilinaw din niya tungkol sa naging hiwalayan nila ni Diego, "Ako po, parang hinintay ko ng one week, sinolo ko talaga 'yung breakup, as in nasa kuwarto lang ako, sobrang lungkot ko talaga.
"Ako kasi, alam ko po talaga, kapag nasasaktan ako ay mas doble ang sakit para sa nanay ko. So, kinimkim ko munang mag-isa, tapos nu'ng medyo kaya ko nang konti ay doon ko sinabi kay Mama at saka nu'ng sigurado nang break na talaga."
Bagama't hindi pa raw siya nakaka-move-on, aniya'y darating din ang araw na makakalimot din siya.
"Ako po kasi, naniniwala talaga ako na 'yung power ng time na maghi-heal ka talaga. Hindi mo siya kailangang madaliin. Darating at darating talaga siya. So, patience lang talaga na everyday, sasabihin mo sa sarili mo na magiging okay din.
"Ako po kasi, 'yung pinakapinagkakatiwalaan ko talaga na tao, 'yung mama ko, and lahat naman po ng breakup ko, si Mama talaga 'yung nandiyan para sa akin. And minsan, kung hindi ko na po kaya, ite-text ko siya or itsa-chat ko siya na 'Mama, dito ka na lang matulog sa kuwarto ko,'" Barbie relayed.
Humuhugot daw siya ng lakas sa kanyang mother's advice para agarang maka-move on.
"Nu'ng nag-break kami ni Diego, siguro two weeks na sa kuwarto ko siya (Mama) natutulog. And palagi niyang ina-advise sa akin na pray lang at nire-remind niya ako na bata pa ako marami pang mangyayari sa life ko. 'Yung pain, part kasi siya ng pagiging tao at 'di ka magiging ikaw ngayon kung hindi sa pain na na-experience mo sa past.
"Ngayon po, siyempre, sobrang happy na talaga ako. Finally, finally, after three months ng breakup namin, I am okay na, happy," pagtatapos ni Barbie.