ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 21, 2022
Hindi ipinagkakaila ni Sue Ramirez na isang break sa kanyang career ang pagkakasali sa seryeng The Broken Marriage Vow na kasama ang mga pangunahing karakter na sina Jodi Santamaria, Zanjoe Marudo at Zaijian Jaranilla.
Bumongga ang kanyang career at siya'y napansin lalo at sumikat sa hanay ng mga nakapanabayang stars.
Noong in-offer daw sa kanya ang role bilang "other woman", isang matured role na may konting pa-sexy at pagkamaldita ang role, hindi na niya ito pinalampas. Pinaghandaan daw niya ang role ni Lexi Lucero.
"I don't want to come into the set having fixed expectations. I want to be spontaneous."
Hindi raw kasi siya makapaniwala na lume-level-up na siya.
"I was shocked (nu'ng in-offer ang role). This is the biggest break I've gotten. To be working with Jodi Sta. Maria (bida), is a big, big thing for me. I cried when they presented this (role) to me. Sobrang laki ng project at dahil malaki 'yung project, naramdaman ko na malaki din 'yung tiwala nila sa akin na magagawa ko 'yung project na 'to."
Ang TBMV ay patuloy pa ring napapanood, Mondays to Fridays, sa TV5, Kapamilya Online Live at sa TFC iWantTFC.