ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sptember 3, 2024
May inianunsiyo ang Dreamscape para sa premiere telecast ng bagong seryeng Lavender Fields (LF) sa ABS-CBN Network kasabay din ng anunsiyong may advance telecast ang seryeng pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Janine Gutierrez at Diamond Star Maricel Soriano sa Kapamilya channels at iWantTFC.
Agad ding naglabas ng talaan na nangungunang programa sa Netflix PH ngayong Setyembre 2, Lunes, ang LF.
Samantala, nasa pang-apat na puwesto ang Pulang Araw (PA) nina Alden Richards, Barbie Forteza, Sanya Lopez, David Licauco at Dennis Trillo.
Kaya naman, inaabangan ng mga Kapamilya at Kapuso viewers kung masu-sustain ng LF ang kanilang #1 slot gayung nakaka-unang episode pa lamang ito na nagsimula sa Kapamilya Online ngayong Setyembre 2, Lunes, 9 PM pagkatapos ng Batang Quiapo (BQ).
Hamon ng mga Kapuso, aabangan nila kung hanggang kailan mananatili sa top spot ang LF na kakaumpisa pa lang habang ang PA ay malapit nang mag-100 episodes.
INANUNSIYO na ni veteran ABS-CBN news anchor Alvin Elchico nitong Sunday, Setyembre 1, ang pagkalas nito sa nakasamang co-anchor sa TV Patrol Weekend na si Zen Hernandez.
Sa isang emosyonal na pamamaalam nito sa news program na pinagsilbihan ng newscaster for 13 years sa program's weekend edition, nagpahatid ito ng pasasalamat sa mga staff ng news program.
Mensahe ni Alvin, “Ngayon po ang huling araw ko sa TV Patrol Weekend. At sa loob ng mahigit labingtatlong taon, mula 2011, ito po ang trabaho ko kada weekend, Sabado at Linggo, ang maghatid sa inyo ng mga nagbabagang balita tuwing Sabado at Linggo lang.
“Malungkot ko pong iiwan ang mahal kong TV Patrol Weekend dahil dito ako nag-grow bilang isang news anchor, dito po ako nahasa sa tulong ng lahat ng staff at production team ng TV Patrol Weekend.”
Nagpaabot din ito ng pasasalamat at gratitude sa lahat ng nasa likod ng programa, sa buong news department, at sa top executives ng network para sa kanilang patuloy na tiwala.
Papalit si Alvin sa beteranong news anchor na si Henry Omaga-Diaz na magma-migrate na sa Canada temporarily para makasama ang kanyang pamilya.
Pahabol pa nitong mensahe, “Ipinapangako po namin na hindi namin kayo iiwan at patuloy naming palalakasin at pagagandahin ang pagkalap ng balita at impormasyon para sa sambayanang Pilipino sa Pilipinas at sa buong mundo. Hanggang sa muli, mga ka-weekend!”
MAY sexy scenes o butt exposure si Tony Labrusca sa psychological drama thriller na What You Did (WYD).
Sa panayam sa writer-director ng movie na si Joan Lopez-Flores sa mediacon noong Agosto 27, sabi niya, “Du’n naman po sa trailer na inilabas namin, I think you’ll get a hint of it. But I want people to see why it’s there, you know—not just the fact that it’s there.
“It’s something na we discussed also when we filmed na inevitably, the character… ‘wag na, baka mag-spoiler ako. Panoorin n’yo na lang po!”
Kung bakit pumayag siyang magkaroon ng skin exposure, pahayag ni Tony, “Ako kasi ‘yung type na ayoko ng nasa gitna. It’s either we go all the way or, like… ‘wag na ‘yung pa-cute na lang. So, nu’ng ginawa namin ‘yung scene, sabi ko, ‘Sige, Direk, itodo na natin ‘to!’ Hahahaha! Okey naman.”
Todo, as in all-out?
Sagot naman ni Direk Joan, “Ako actually ang nagho-hold back, eh. Kasi, I don’t want the film to be spoken about just because of… oh, my God!”
Singit ni Tony, “Hindi naman, hindi naman! I don’t think so. We did it really well.”
Sabi naman ni Direk Joan, “We did it in such a way na it feels palpable. Kumbaga, the scene is powerful enough in that sense, na merong ganu’ng sexy scene.”