ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | October 5, 2022
Tulad ni Sen. Robin Padilla na nagsabing hindi lang ang mga artista ang dapat isailalim sa mandatory drug test kundi maging ang mga nagtatrabaho sa gobyerno, hindi rin sumasang-ayon ang Film Development Council of the Philippines chairman na si Tirso Cruz III sa panukalang mandatory drug test sa mga kapwa niya artista.
Ani Pip (palayaw ni Tirso), ang nasabing drug testing ay "greatly discriminatory" sa mga taga-industriya.
Nagpalabas ng kanyang mensahe si Pip pagkatapos i-propose ni Cong. Barbers ng Surigao del Norte ang nasabing panukala.
Mensahe ni Chairman Tirso, "The fight against trafficking and use of illegal drugs should be everyone's concern as law abiding of the country. We find it greatly discriminatory however that actors and performers from the entertainment industry are being singled out for drug testing."
Dagdag pa niya, "Worse, there is a strong move making producers shoulder the extra cost for all performers' drug test. This is outright unfair and burdensome coming from a pandemic that left so many of us out of work, and getting back on track remains a huge challenge," sabi pa ng FDCP chair.
Ayon pa kay Pip, the industry needs all the support it could get and not oppressive policies, gaya ng nasabing panukala.
Dagdag pa raw ito sa mga 'di makabuluhang bayarin o gastos and paralyzing the industry even more.
Ang nasabing mandatory drug testing ay inihain ni Surigao del Sur Representative Barbers, ang head ng House Committee on Dangerous Drugs, matapos maaresto ang actor na si Dominic Roco noong nakaraang Sabado kasama ang apat pa sa isang buy-bust operation sa Quezon City.
Sey pa ni Barbers, "Hinihiling at hinihikayat ko ang hanay ng ating movie industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang ranks at i-subject ang kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng pelikula," sey ng lawmaker.