ni Ador V. Saluta @Adore Me! | May 26, 2023
Sumabak sa Fast Talk with Boy Abunda ang Kapuso actor na si Joshua Garcia at dito nga ay kinumusta ng King of Talk ang kasalukuyang relasyon ng aktor sa kanyang ex-girlfriend na si Julia Barretto.
Ang sagot naman ni Joshua, "Okay kami."
Sa katunayan, si Julia raw ang gusto niyang maka-partner sa isang project na ino-offer sa kanya ngayon.
Kuwento ng aktor, "Sabi ko sa mga bosses namin, kasi parang okay, secret lang natin ito.
May project na inihahain sa akin and they can't find a partner for me."
Dagdag pa niya, "And then, unang pumasok sa isip ko na bagay du'n sa character si Julia."
Ang wish pa nga ni Joshua, "Pero, 'yung usapan, hindi ko alam kung ano ang nangyayari.
Pero, sana ay payagan ng management si Julia."
Naks! Nakakatuwa namang malaman na maayos pala ang pakikitungo ng dating magkarelasyon na sina Joshua at Julia sa isa't isa.
Sana nga, matupad ang hiling na ito ng aktor at muli nating mapanood ang dalawa sa isang proyekto.