ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Nov. 6, 2024
Photo: Ion Perez - TikTok
Tinablan din ng pambabatikos ng mga netizens si Ion Perez pagkatapos nitong mag-file ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagka-konsehal sa isang bayan sa Concepcion, Tarlac, kung saan siya’y residente ng nasabing lugar.
Wala pang isang buwan pagkatapos nitong ideklarang tatakbo siya sa pagka-konsehal, umatras na nga ang It’s Showtime (IS) co-host dahil sa pressure mula sa ilang mga netizens.
Inanunsiyo ito ng asawa ng TV host-comedian na si Vice Ganda makalipas ang isang buwan mula nang maghain siya ng kandidatura para sa 2025 elections.
Nitong Lunes, November 4, nag-post si Ion ng video sa TikTok para ipaalam na hindi na niya itutuloy ang pagtakbo bilang konsehal sa bayang kanyang sinilangan.
Mensahe niya sa video, “Sa mga kalugar ko d’yan sa Concepcion, una po, maraming salamat sa tiwala at suporta n’yo na ibinigay sa ‘kin.
“Ipinapaalam ko lang po na hindi na po ako tatakbo o tutuloy bilang konsehal ng Concepcion.”
Sey pa niya sa video, “Gusto ko po munang ihanda ang sarili ko para hindi mapahiya sa inyo at mapaglingkuran kayo nang tama.
“Muli po, maraming-maraming salamat sa inyong tiwala. Paumanhin po.”
Marami kasi ang kinilabutan sa unang inianunsiyo ni Ion na pagpasok niya sa pulitika.
Well, tila nga nabuksan ang kanyang pag-iisip na ang pagpasok sa pulitika ay hindi lamang gaya ng pagsali sa isang male pageant.
Ilan lang sa mga masasakit na komento ng netizens…
“Ay, sus, ano naman kaya ang kaya n’yang gawin? Wala naman s’yang alam as public servant, eh, ‘di naman yata s’ya nakatapos ng college?”
Dagdag pa ng netizen, “Porke’t asawa s’ya ni Vice, magagamit n’ya ‘yun para siya’y manalo? Uubusin lang niya ang pera ni Vice.”
Sincere naman si Ion Perez sa inilabas niyang video na may paliwanag kung bakit siya umatras kasama ng kanyang paghingi ng paumanhin sa lahat ng mga kababayan niyang umasa na sa kanyang pagtakbo.
Nasobrahan, naospital… CHARO, UMAMIN KUNG BAKIT BIGLANG NAWALA SA BATANG QUIAPO
May pinagdaraanan palang karamdaman ang dating ABS-CBN president na si Ma’am Charo Santos dahil sa kanyang hectic schedules including tapings at media events.
Tila ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit siya naospital ay ang kanyang heavy scenes sa seryeng Batang Quiapo (BQ), kung saan siya’y may sagutan o struggles with co-actors Lena and Rigor (played by Mercedes Cabral at John Estrada).
Grabe ang sigawan sa eksena with matching pisikalan pa.
Ang mga sunud-sunod niyang eksena o schedule sa primetime Kapamilya serye ay kanyang ibinahagi sa Instagram (IG) video, kung saan kanyang ipinagtapat that she lost her voice all of a sudden.
“Isang umaga, gumising na lang ako, wala na akong boses. Tapos naisip ko, siguro dahil du’n sa back-to-back taping schedules ko ng Batang Quiapo and my military training. Bumagsak na nga ‘yung immune system ko,” saad ni Charo.
Kaya naman may advice ang doctor ng Kapamilya actress-executive na iwasan muna niya ang magsalita.
“I was given strict instructions by my doctor not to talk, not to even whisper, so hirap na hirap talaga ako nu'ng FTX (Field Training Exercise) ko. I had to use a whiteboard and pentel pen to communicate with the commanding officer and the military training instructors. Thankfully naman, naka-graduate ako,” aniya.
Pinayuhan din siya ng kanyang doctor to take several kinds of medicines and had to increase her water intake.
After several check-ups, unti-unti na raw bumabalik ang kanyang magandang kondisyon.
“Ngayon, medyo bumabalik na ‘yung boses ko. A bit raspy pero may lumalabas na and hopefully by next week, makabalik na ako sa taping ng Batang Quiapo. See you soon,” masaya niyang sagot.
Matatandaang kamakailan lamang ay naging Philippine Air Force Reservist (PAFR) siya pagkatapos nitong gumradweyt mula sa reservist training nitong October 19.