ni Julie Bonifacio @Winner | Jan. 21, 2025
Photo: Philip Salvador, Paolo Contis, Gabby Concepcion at Jomari Yllana - IG, FB
Tatamaan tiyak ang ilang artista sa isinusulong na batas na pag-penalize sa mga iresponsableng ama na ‘di nagbibigay ng suporta sa kanilang anak.
It’s a bill versus child support violators na pumasa sa House Committee on the Welfare of Children.
Ang hirap kaya para sa mga ina ang ganito, lalo pa’t ang mahal-mahal na ng mga pagkain, pang-enroll, damit at iba pang basic needs ng tao.
Sey ng netizen, “Sa mga buntisero d’yan, malapit na kayong makahon. Hahaha!”
“Parents or irresponsible fathers…”
“Any bill or law should always be fair and non-partisan. This proposed bill should also include irresponsible mothers.”
For sure, may pumasok na agad na names ng mga artistang kilala ng mga netizens na napabalitang hindi nagbigay ng sustento sa kanilang anak.
Isa sa mga nabanggit ng isang netizen na sa tingin niya ay irresponsible parent na taga-showbiz ay ang award-winning actor na si Phillip Salvador.
Pasok din siguro d’yan ang name ni Paolo Contis, na umaming ‘di siya nagbibigay ng sustento sa anak niya kay Lian Paz.
Pero may itinatabi raw si Paolo para sa anak nila at plano raw niyang ibigay ang naipon niyang pera sa paglaki nito.
There was a time na naging malaking isyu rin kontra kay Jomari Yllana ang reklamo ng dati niyang kinakasama at ina ng anak ang child support.
What about Gabby Concepcion kay KC na anak niya kay Megastar Sharon Cuneta?
Kahit sabihin pang afford na afford ni Mega na buhayin nang solo ang kanyang panganay na anak, iba pa rin kung may suporta si Gabby kay KC Concepcion noon.
‘Di ba?
No to palimos daw… OSANG, PABOR SA GINAWA NG GUARD KAY SAMPAGUITA GIRL
Photo: Circulated / Rosanna Roces - IG
Usap-usapan pa rin sa social media ang insidente sa guard ng isang mall at estudyanteng nagtitinda ng sampaguita.
May mga artista at iba't ibang personalities na rin ang umeksena. Majority of them favored ‘yung nagtitinda ng sampaguita.
Pero iba naman ang punto de vista ng FPJ’s Batang Quiapo (BQ) star na si Rosanna Roces.
Ipinahanap ni Osang, pet name ni Rosanna sa showbiz, sa kanyang Facebook (FB) page ang guwardiyang sinibak ng mall na pinagtatrabahuhan niya dahil sa insidente.
Post ni Osang, “Pahanap nu’ng Guard… tutulungan ko ‘yan. Magiging precedent ‘yan babastusin na lahat ng Guard na ginagawa lang ang trabaho nila. Du’n tayo sa Guard.. nagtatrabaho ng legal ‘yan, hindi nagpapanggap na guard lang. No to palimos at iba pang uri ng pangloloko!”
Maraming netizens ang sumang-ayon sa opinyon ni Osang.
“20 years in service as guard, so ibig sabihin n’yan ‘di s’ya bad employee, pero nasibak at na-banned agad-agad sa lahat ng SM.. Nakakalungkot na ‘yung pinrotektahan mong company, eh, ang bilis kang bitawan (sad emoji).
“Breadwinner, may anak pero hiwalay sa pamilya. May mga anak at nanay na may sakit na sinusuportahan. Sana mas pagpalain ka pa, Sir (praying emoji).”
Speaking of BQ, viral din sa socmed ang mga breathtaking action scenes na mapapanood sa aksiyon-serye ni Coco Martin sa episodes this week.
Nagpatikim na nga ang serye sa mga pasabog na komprontasyon sa kuwento sa pamamagitan ng isang special plug na inilabas noong Linggo (Enero 19) kung saan nakakuha ito ng walong milyong views sa loob lamang ng 24 hours sa social media.
Available ang latest episodes nito sa loob ng 21 na araw matapos silang unang ipalabas sa Kapamilya Online Live sa YouTube (YT).