BULGAR

7 days ago

VP Sara, may peklat sa leeg... "Sinubukan nila akong i-gurgur, pero hindi sila nagtagumpay"

ni Eli San Miguel @News | June 25, 2024

Nagsalita na si Vice President Sara Duterte nitong Martes tungkol sa peklat sa kanyang leeg, na nagpapaisip sa mga netizen kung saan ito nanggaling.

Sa isang video na kumakalat sa social media, tinanong si Duterte sa Bisaya ng isang hindi kilalang tao kung ano ang nangyari sa kanyang leeg.

"Sinubukan nila akong i-gurgur (laslasin) pero hindi sila nagtagumpay," sagot niya nang nakangiti. Unang napansin sa social media ang sinasabing sugat sa leeg ni Duterte nang dumalo siya sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Davao City noong Hunyo 12.

Isang linggo pagkatapos, noong Hunyo 19, nagbitiw siya bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) at bilang vice chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), na magiging epektibo sa Hulyo 19, 2024.

    0