BULGAR

Jun 8

Shut up na raw sa pag-ungkat sa past nila… KIM KAY XIAN: RESPETUHIN NATIN ANG ISA'T ISA

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | June 8, 2024

Hindi napigilang maging emosyonal ni Kim Chiu nang mahingan ng reaksiyon hinggil sa mga pahayag ng ex-boyfriend niyang si Xian Lim. Lately kasi ay may mga interviews si Xian at ang isa nga sa parating napag-uusapan ay ang breakup nila ni Kimmy.

Sa video na inilabas ng ABS-CBN kahapon ay mapapanood ang interview ni MJ Felipe sa aktres bago ito lumipad patungong Dubai para sa Kapamilya Kalayaan Karavan.

“Ako talaga, entering 2024, sabi ko talaga, I just want a fresh start, a new beginning and I don’t want to dwell sa past,” simula ni Kim.

“Parang 'yung post ko nu’ng December, sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin,” dagdag niya.

Makahulugang hirit pa ng aktres, “Hindi naman s’ya mapag-uusapan if no one’s lighting the fire.”

At ang kanyang masasabi tungkol sa pahayag ng kanyang ex-BF, “I just wanna say, give it a rest and let's respect each other."

At this point, naging emosyonal na ang aktres at aniya, “It ended, the journey was beautiful so ayoko nang maging masama ‘yung loob ko and he’s happy, ‘yun.”

Pinigilan na ni Kim na mapaiyak pang lalo at sey na lang niya ulit, “Kasi paulit-ulit na lang, so just give it a rest and let’s leave respect to each other.” 

    0