BULGAR

Jun 24

Opening ng Prime Z, may SWAT, kinuwestiyon

by Info @Brand Zone | June 24, 2024

Namangha sa una ngunit napalitan umano ng pagdududa ang ilang nakasaksi sa soft opening ng isang kumpanyang ‘networking’, kamakailan.

Tila isang military drill umano ang naging pagbubukas ng Prime Z Entrepreneurs Inc., na isang marketing type, kung saan may mga S.W.A.T. sa nasabing opening.

Nakapagtataka umano na puwede na ang militar o kapulisan na maging tila endorsers ng pribadong kumpanya?

Isa pa sa ikinabahala, meron umano itong SEC-registry subalit tila ‘yun lang at walang Department of Trade and Industry (DTI) na kailangan kapag selling o may distribution na kasama.

Makikita rin umano sa talaan nito na ang isa sa ibinebenta o idini-distribute ay isang “high risk food product” o lapitin sa maaaring sanhi ng food poisoning, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sa ngayon, hinihintay umano ang reaksiyon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos, Jr., sa mga napansing S.W.A.T. na tila endorsers ng Prime Z.

    0