BULGAR

5 days ago

Kendall Jenner, naka-paang bumisita sa Louvre Museum

ni Angela Fernando @Entertainment News | June 29, 2024

Photo: Kendall Jenner / IG

Gumawa ng ingay ang hindi pagsusuot ng supermodel na si Kendall Jenner ng sapatos sa kanyang mga larawan mula sa Louvre Museum sa Paris.

Matatandaang kamakailan ay bumisita ang 28-anyos na modelo sa nasabing museum sa kanyang pagbisita sa France, at tila iniiwasan ng model ang crowd dahil may special late-night admission pa ito.

Sa nasabing fashion choice, suot ni Kendall ang itim na top at ang pagpapaa nito ang nakapagpataas ng kilay ng maraming netizens.

"The Louvre at midnight," caption ng model sa post ng kanyang larawan sa harap ng Renaissance painting ni Paolo Veronese na “The Wedding Feast at Cana at “Mona Lisa” ni Leonardo Da Vinci.

Hindi naman binigyang-linaw ni Jenner ang kanyang pagbisita sa museum, o kung naroon siya para sa trabaho at shoot. Dinedma lang din ng modelo ang mga negative feedback patungkol sa kanyang pagpapaa sa Louvre.

    0