ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 3, 2024
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 3, 2024 (Miyerkules): Mamumuno ka, dahil nakaatang sa iyong balikat ang pamamahala at kapangyarihan. Mahalin mo ang iyong mga pamumunuan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong hayaan na sumama ang loob sa iyo ng ibang tao. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-25-39-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Panigan mo kung sino ang tama, pero ang nasa mali, iyo pa ring unawain. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-18-20-25-30-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Kapag pinansin mo ang nagmamarunong at nag-aakalang alam niya ang lahat, mahihirapan lang ang loob mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-19-21-24-28-35.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi baleng akalain nila na mahina ka. Hindi baleng isipin na sunud-sunuran ka. Dahil ang tunay na nakakakita sa lahat ay ang nasa itaas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-10-13-15-21-29.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi mo nakikita ang tunay na sitwasyon sa paligid dahil abala ka sa mga walang kuwentang bagay kung saan nagsasayang ka lang ng kabuhayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-22-37-42-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kunin mo kung ano ang maganda sa iyong pandinig at itapon mo ang mga hindi mabubuting sinasabi. Sa ganitong paraan, makikinabang ka. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-17-21-25-28-38.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit mo pagkakagastusan ang plano mo? Ang planuhin mo ay kung paano darami ang iyong kabuhayan at kung paano gaganda ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-22-32-35-39-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumisingit sa isip mo ang mga negatibong pananaw. Para ito ay iyong malabanan, kumuha ka ng inspirasyon sa mga nagtagumpay na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-24-31-34-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Muling ibinalik ng langit ang iyong masuwerteng araw. Gawin mo na ang anumang gusto mong gawin, huwag kang matakot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-10-15-26-30-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka lang sa dominanteng tao. Hindi dahil siya ay tama kundi dahil kapag walang kumokontra sa kanya, kusa siyang mag-iisip at maiisip niyang siya ay mali. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-23-27-30-39-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lalayo ang loob sa iyo ng malalapit sa buhay mo dahil aakalain nilang hindi sila mahalaga sa iyo. Mas magandang huwag mo itong hayaang mangyari. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-9-13-26-34-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga taong kontrabida sa buhay mo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-19-24-29-36-42.
Comments