BULGAR

4 days ago

‘Di raw kailangan… BARON, NEVER NAGPARAMDAM NA AMA SA ANAK NI NADIA

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | June 30, 2024

Photo: Baron Geisler & Nadia Montenegro / IG

Seventeen years na hindi nakilala ng bunsong anak ni Nadia Montenegro ang sinasabing biological father nitong si Baron Geisler, kaya malayo ang loob ng bata sa ama nang minsang magkita sila. 

At ayon na rin mismo kay Nadia,  ayaw ni Sophia na magkaroon pa ng kaugnayan sa aktor kahit na pinayuhan niyang magkaroon sila ng komunikasyon.

Hindi ganu’n kadaling gawin na maging malapit ang anak ng aktres sa kanyang ama. 

Ang kanyang kinilalang ama ay ang dating Caloocan mayor na si Boy Asistio, na kumalinga sa kanya simula noong bata pa siya. Walang maalalang happy memories si Sophia kay Baron, kaya okey nang hindi sila magkasama. 

Tutal masaya naman siya sa piling ng kanyang mom na si Nadia at mga kapatid. Maayos naman silang naitaguyod ng kanilang ina at wala namang mababago sa kanyang buhay, kilalanin man siyang anak ni Baron Geisler o hindi. 

    0