ni Beth Gelena @Bulgary Files | March 1, 2023
Kinaaliwan ng mga netizens ang banggaan nina Charo Santos at Direk Joel Lamangan bilang sina Tindeng (Charo) at Roda (Direk Joel) sa FPJ's Batang Quiapo.
Last Friday episode, nagkasagutan sina Tindeng at Roda dahil gustong taasan ng huli ang upa sa puwesto ng una sa Quiapo.
Si Roda kasi ang owner ng puwestong inuupahan ni Tindeng at ng anak nitong si Marites (Cherry Pie Picache).
Sa episode naman last Monday (February 27), agaw-eksena pa rin si Direk Joel.
Hindi pa pala tapos ang banggaan nila ni Tindeng. Ipina-barangay niya ang mag-ina.
Nakiusap si Marites kay Roda na huwag taasan ang upa at gagawin daw nila ang lahat ng gustong ipagawa nito.
Eh, mainit ang dugo ni Roda dahil hindi niya ma-take na sigaw-sigawan ni Tindeng, kaya sinabi niyang lumuhod ito sa kanya.
Ang siste, hindi pa pala roon nagtatapos ang usapan dahil gusto pa ni Roda na halikan ni Tindeng ang kanyang paa.
Tipong hahalikan na ni Tindeng ang paa ni Roda nang bigla niya itong pukpukin ng bato.
Hahaha! Hanggang saan kaya aabot ang sagupaan nitong sina Direk Joel at Ms. Charo?
Marami tuloy ang nag-aabang sa sagupaan ng dalawa na agaw-eksena sa Batang Quiapo.
Comments