BULGAR

4 days ago

5 Pinoy seafarers sa barkong sinalakay ng Houthi, nakauwi na

ni Angela Fernando @News | July 1, 2024

Nakarating na sa Maynila nu'ng Linggo ang lima sa 27 tripulanteng Pinoy na sakay ng bulk carrier na MV Transworld Navigator na sinalakay ng mga Houthi rebels kamakailan sa Red Sea.

Tagumpay na nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang unang batch ng mga mandaragat na nakaligtas sa pamamagitan ng Emirates airline EK 332. Ang ikalawang batch ay inaasahang darating sa Martes.

Nakatanggap naman ng suportang pinansyal at iba pang tulong mula sa gobyerno ang mga na-repatriate na mandaragat, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW).

Sinalubong ni DMW Sec. Hans Cacdac, kasama sina DMW Assistant Secretary para sa sea-based overseas Filipino worker (OFW) concerns Jerome Pampolina at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Administrator Honey QuiƱo, ang pagdating ng unang batch.

    0