Levi Gonzales

Jun 25, 2019

Pagbaba ng jeep, biglang tumakbo | 10 YRS. OLD SAPOL SA VAN, DEDBOL

DEDO ang sampung taong gulang na lalaki matapos masagasaan ng Toyota Hi-Ace sa Maharlika Highway, Bgy. Balubad, Atimonan, Quezon.


 
Alas-11:30 ng umaga, sakay ng pampasaherong jeepney ang biktimang si Mark Anthony Garcia, Grade IV, ng Bgy. Zone II.


 
Pagbaba nito sa sasakyan, agad umano itong tumakbo at tumawid sa lansangan. Eksakto namang paparating ang van na minamaneho ng suspek na si Leodigario Canerino, 43, ng Alingaro, Gen. Trias, Cavite.


 
Nasapol nito ang biktima kung saan mabilis siyang isinugod sa pagamutan ngunit, binawian din ito ng buhay.


 
Kusang-loob namang sumuko sa awtoridad ang driver ng van.

    2