PINAKIKILOS ang mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na ligtas at may sapat na suplay ng karneng baboy sa pamilihan.
Ginawa ni Sen. Imee Marcos ang pahayag matapos kumpirmahin ni DA Sec. William Dar na positibo sa African Swine Fever (ASF) ang 14 sa 20 blood samples ng mga baboy na galing sa Rodriguez, Rizal, Guiguinto, Bulacan at Antipolo City.
Kaugnay nito, hinikayat ang PPA at Bureau of Customs na higpitan ang pagbabantay sa lahat ng port of entry ng bansa para hindi makalusot ang smuggled meat products na posibleng kontaminado ng ASF. (BRT)