Pekeng hotel, travel deals online nagkalat

ni Gina Plenago @News | October 7, 2026

Photo: File
Nagbabala ang National Capital Region Police Office (NCRPO) laban sa mga pekeng hotel accommodation at travel promotions online ngayong “ber months.”
Pinayuhan ni NCRPO Officer-in-Charge P/Brig. Gen. Christopher N. Abrahano ang publiko na mag-ingat sa pag-book ng hotel, resort, airline ticket, tour package at iba pang travel services.
Aniya, sinasamantala ng mga scammer ang mataas na demand sa biyahe sa pamamagitan ng sobrang murang presyo, malalaking diskuwento at limited-time offers.
Pinag-iingat din ang publiko sa mga social media account at website na gumagamit ng kinopyang logo at larawan o nagpapanggap na lehitimong hotel, airline at travel agency.





Comments