P3 rollback sa diesel, P1.56 taas sa gasoline, P1.77 kerosene

ni Mervin Reyes @News | October 13, 2026

Photo: File
Magkakaiba ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo simula Martes, Oktubre 13, kung saan bababa ng 3.01 kada litro ang diesel, habang tataas naman ng ₱1.56 ang gasolina, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Lunes.
Saklaw ng taas-presyo sa gasolina ang lahat ng grado nito, kabilang ang RON 91 (regular unleaded), RON 95 (premium unleaded) at RON 97 (high-octane unleaded).
Kasama rin sa bawas-presyo ang Diesel Plus na bababa ng P3.01 kada litro.
Samantala, tataas naman ng P1.77 kada litro ang presyo ng kerosene.





Comments