P24.35M puslit na yosi, nasamsam

ni Mervin Reyes @News | November 29, 2026

Photo: P24.35 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes - PNP-PIO
Nasabat ng mga awtoridad ang P24.35 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes matapos salakayin ang isang warehouse sa Purok Ipil-Ipil, Brgy. Santa Rosa, Negros Island Region nitong Biyernes, Nobyembre 27.
Ayon sa Police Regional Office Negros Island Region (PRO NIR), nakumpiska ang 429 master cases ng iba’t ibang brand ng sigarilyo mula sa warehouse at isang Toyota Avanza na natagpuan sa lugar.
Walang naabutang may-ari o caretaker sa warehouse, subalit may natukoy nang person of interest ang pulisya.
Sa paunang inspeksyon, walang kaukulang permit at mandatory graphic health warnings ang mga nasamsam na sigarilyo.
Pansamantalang nasa kustodiya ng Murcia Municipal Police Station ang mga nakumpiskang produkto habang hinihintay ang turnover sa Bureau of Customs (BOC).





Comments