Impeachment trial, minamadali... Bribery vs. VP Sara, atras na

ni Mervin Reyes @News | October 5, 2026

Photo: 244 dayuhan sa POGO, huli - BI
Pormal nang inalis ng House prosecution panel ang bribery charge o Article III laban kay Vice President Sara Duterte upang mapabilis ang impeachment trial, ayon kay House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua.
Sa isang panayam, sinabi ni Chua na napagdesisyunan ito noong nakaraang linggo matapos alisin din bilang testigo si dating Sen. Antonio Trillanes.
Ayon kay Chua, sapat na umano ang ebidensyang naiharap sa iba pang tatlong impeachment charges kaya hindi na kailangang isulong ang bribery case.
Layunin umano ng hakbang na matapos ang paglilitis sa loob ng taon at hindi umabot sa susunod na taon.
Itutuloy naman ng prosekusyon ang presentasyon ng mga testigo at dokumento sa Article II, kabilang ang mga usapin sa umano’y unexplained wealth ni Duterte.
Itinanggi ni Chua na kakulangan sa ebidensya ang dahilan ng pag-atras sa bribery charge. Nakatakda namang magbigay ng opisyal na pahayag si Lead Prosecutor Rep. Gerville Luistro kaugnay sa desisyon.





Comments