top of page
Vice Ganda sa UAAP 89 - IG.jpg

CHLOE, IDINAMAY ANG INA NI RENE BATERBONIA SA GALIT SA NANAY NI CARLOS, NETIZENS GALIT NA GALIT

Writer: BULGAR
BULGAR
4 hours ago
3 min read

ni Nitz Miralles @Bida | September 15, 2026



Chloe San Jose - IG

Photo: Chloe San Jose - IG



Kinol-out ng mga netizens si Chloe San Jose, ang girlfriend ni Carlos Yulo, dahil sa pahayag na pati raw ibang tao ay idinamay.


Comment kasi ni Chloe, “Hintayin n’yo na magsama mama nila (Angelica Yulo) at mama ni Rene...” bilang sagot sa comment ng netizen na, “Baka soon, nasa TV na naman si Mother n’yan at magpapa-interview.”


Ang tinukoy ni Chloe na ‘mama ni Rene’ ay ang ina ng pumanaw na basketball player na si Rene Baterbonia, si Rovelyn.


Nag-react ang mga nakabasa sa comment ni Chloe. Bakit daw idinadamay nito sa isyu nila ng nanay ni Caloy ang ibang nanay? 


Tanong ng isa, “Alam n’ya ba ang buong story ni Rene? ‘Wag n’ya husgahan ang nanay ni Rene dahil una, ‘di n’ya kilala at mali na igaya mo ang nanay ng BF mo sa nanay na namatayan ng anak! Issue mo ‘yan, ‘wag kang mandamay.”


Sey pa ng iba, “G*GA, NANDAMAY PA TALAGA!” “Be kind and humble po, ‘di natutulog ang Diyos,” at “Bakit n’ya isinama ang mama ni Rene, magkaiba sila ng pamilya at sitwasyon, how dare this girl.”


It seems, hindi lang ang mom ni Caloy ang kalaban ni Chloe dahil nag-react din ang maternal grandmother ng BF niya. 


Comment ng lola ni Caloy, “Oo, ang saya-saya naman dito, nagtatawanan nga kami rito sa mga sagutan mo, eh,” at “Sanay na sanay kang dumila, ‘noh? Kaya si Caloy, baliw na baliw, eh.”


Sabi naman ni Chloe, “Paano po ‘yung tawanan? Ganito kami ngayon dito, eh, pa-cute lang.”

Ang tinukoy ng lola ni Caloy na dumila si Chloe ay sa larawan nito kasama ang BF at kapatid ni Carlos na naka-wacky pose. May TikTok video pa ang tatlo na masayang sumasayaw.





Ayaw na sa AFAM, Chinese ang trip… 

BELA, NAG-DENY NA MAY BF NA, BUKING NA 8 MONTHS NA PALA



NATAWA na lang siguro ang reporter na sinagot ni Bela Padilla na wala pa siyang boyfriend nang matanong ang aktres sa premiere night ng Life After You (LAY) kung kasama niya ang boyfriend niya sa premiere night.


Sagot ni Bela, wala pa siyang boyfriend at ang date niya that night ay si Maricel Soriano. Kung magbo-boyfriend man siya, kailangan daw na may approval ni ‘Inay Maria’ (tawag niya kay Maricel). 





Kaya lang, lumabas na ang balitang boyfriend ng aktres ang CEO na si Martin Tan at eight months na ang kanilang relasyon. Ibig sabihin, may boyfriend siya noong premiere night.


Anyway, ‘kaaliw ang comment na nauuso ngayon sa mga celebrities na ang pinipiling maging boyfriend o life partner ay Chinese. 


Binanggit ang mga apelyidong Co, Ang, Ty at Tan. Kinalimutan na raw ng mga celebrities ang mga AFAM o foreigner.


Still on Bela, nagpa-thank you ito kay Jodi Sta. Maria dahil sa suporta sa movie nila ni Maricel.


Mensahe niya, “Thank you so much @jodistamaria, such an amazing actress, co-actor and most importantly, friend. I’m so lucky I got to work with you on Mea Culpa and I got to spend time getting to know you... you’ve inspired me to be better in so many ways. Kaya nu’ng sinabi nila sa ‘kin na may block screening ka today for Life After You, nagmamadali akong pumunta to personally give you a hug. Thank you, thank you, thank you.


“We’re doing what we can to keep our beloved industry alive and today, in theater surrounded by your friends... I felt optimistic that we’re going to be okay because we have each other. Sana, nagustuhan n’yo.”


Sagot ni Jodi, “Ang ganda at ang galing n’yo. Sumakit ang lalamunan ko kakapigil ng iyak (kasi ‘yung mascara ko, ‘di ba?).”


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page